<p>Sa episode na ito ng The Linya-Linya Show, nakasama natin si John Go— long-time bar fly turned alcohol importer, distributor, educator, cocktail enthusiast, at certified spirits geek.Bilang mga taong mahilig uminom pero marami pang gustong matutuhan tungkol sa mundo ng alak, napunta ang usapan namin sa mas malalim na bahagi ng drinking culture— hindi lang bilang bisyo o libangan, kundi bilang kasaysayan, craftsmanship, kultura, at paraan ng pakikipagkapwa-tao.Napag-usapan namin ang iba’t ibang uri ng spirits tulad ng rum, tequila, at mezcal; ang Pinoy drinking culture at kung paano ito naiiba sa ibang bansa; mga common misconceptions tungkol sa alak; at kung paano mas maeenjoy ang pag-inom nang may mas malalim na appreciation at responsibilidad.Kwento rin ito ng isang taong ginawang propesyon ang passion niya— mula pagiging regular na tambay sa mga bar hanggang sa pagiging isa sa mga pangunahing tagapagtaguyod ng mga underrated at underappreciated spirits sa Pilipinas.Kung gusto mong matuto tungkol sa alak, cocktails, bar culture, at kung paano uminom nang may mas malalim na pag-unawa sa iniinom mo, para sa’yo ang episode na ito.Listen up, yo.</p>